My Photo
Name:
Location: Manila, NCR, Philippines

I'm unique just like everyone else.

Tuesday, September 04, 2007

Ganito sa M.A.

nakikinig sa reader(reporter) of the day

puyatan pero ba't kaya tong katabi ko gameboy sp dala?

origami time kasi nakakainip makinig, nung kasunod na subject na dun ako naupo sa pwesto nya--grabe napuno nya ilalim ng desk ng mga jet, crane at kung anu ano pang origami. naiwan nya pa ung tie nya tsaka eye glasses...
lecture at seatwork (",)

Nakakatawa pero ganun talaga, mas malala pa ang klase namin sa klase ng high school. Walang nakikinig, may nagku kwentuhan meron kuha ng kuha ng litrato mula sa cellphone, may gumagawa ng origami at kung anu ano pa. Nakaka inis din kasi sa kabilang banda na ang aming klase sa Comparative Education ay ginawang parang Reading Class, may taga-present ng topic pero babasahin nya lang din mula sa hand out nya na lahat din naman kami ay may kopya. Sana nag enrol na lang ulit ako ng Developmental Reading kung ganto lang pala... Kaya nakisali na lang ako sa mga ginagawa ng classmates ko at may dagdag pa: maya't maya lumalabas ako ng silid para tumambay. Ayos lang naman sa MA ang ganun pero kung papansinin nila ako at aakalain nila na nag punta lang ako sa CR o canteen, iisipin nila na baka nalunod sa ko sa inidoro o kaya nabili ko na lahat ng tinda sa canteen sa tagal ko. Nung isang bes nang pagbalik ko iba na ang reporter at mukhang nakapag seatwork na din sila. Pero okay lang. Makakapasa pa din naman siguro ako. Minsan o mas madalas naiinip akong matapos ang klase para makahabol na ako sa Sunlai o sa 664, minsan din naman gusto ko maka uwi agad para makatulog na at dumating agad ang Linggo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home