My Photo
Name:
Location: Manila, NCR, Philippines

I'm unique just like everyone else.

Saturday, August 04, 2007

Ang nagpapaka dalubhasa...

Grabeng haba ng tinakbo ko kahapon, nasa EspaƱa pa lang naramdaman ko na na may sunog malapit samin, maya maya tumawid ang E15 ng Sampaloc. Nagising akong bigla, nainip at nasabik. Ewan ko ba bakit sa lahat naman ng pagkakataon kapag may sunog ako excited? Tuloy pa din ako sa balak kong dumaan ng SM, wala pa din naman reply ang TXTFIRE kung nasan ang sunog kung meron nga... Nasa jeep na ko pauwi nang dumaan na naman ang isa pang truck, New Millenium (ung bisita namin sa JCA dati). At ayun nagsimula na ang marathon ko, dumaan pa ako ng HQ baka nandun pa sila pero malas ko, wala na. Hindi pa din sumasagot ang TXTFIRE kaya sinundan ko na lang bio radar ko, at ayun umabot din ako sa fire scene at halos lahat ng truck ay nakita ko na bago ko nakita truck namin. Hay! Eto na pangatlong pagkakataon na sumampa ako ng truck ng naka pamasok sa JCA (hehehehehe, hindi naman siguro bawal, hindi naman 'to bad diba?)

Umaga na, hindi pa din ako tapos sa assignment ko sa stat. Bakit naman kasi evaluation copy lang nakuha kong software nag manual tuloy ako sa computations! Still as of this writing my assignment is still not final, I still need to make the conclusions and verify if I did the right computations. Ayan Ingles na, English zone kasi sa PLM hehehehe. Honestly I am enjoying studying statistics but afraid at the same time that it might divert my focus to another new horizon. Baka kasi bigla ko maisipang maging Researcher o Statistician. Dito na lang. I still need to finish my assignment, sayang naman na highest ako dun sa quiz namin last week (",)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home