My Photo
Name:
Location: Manila, NCR, Philippines

I'm unique just like everyone else.

Wednesday, March 12, 2008

Post Office


Habang papalabas ako ng lobby para mananghalian ay tinawag ako ng guwardia, paglingon ko sa kanya ay ngumiti lang sya sabay yuko na parang may hinahanap. Dumating na, sabi ko sa sarili ko. May inaabangan kasi akong imbitasyon para dadaluhan kong okasyon sa Martes. Tama nga ang nasa isip ko: imbitasyon nga ang iaabot sa akin ng guwardia. Imbitasyon ito para sa paglulungsad ng programa ng Ureta Center na gaganapin sa ika-103 kaarawan ni Dr. Ureta. Na sya rin namang ika-7 anibersaryo ko bilang APO. Kasama ko sa pagdalo ang aking kapatid sa APO na si Pepe.

Natuwa ako nang matanggap ko ang imbitasyon, idanaan pa kasi ito sa Post Office (ano nga ba ang tagalog nyan?), matagal na din kasi akong hindi nakakatanggap ng dumaan sa post office dahil puro bills na lang ang natatanggap ko na hinahatid ng mga pribadong ahensya at dahil hindi na nga siguro uso dahil maari ka nang gumamit ng e-mail o ng internet sa pagpapadala ng kung anu-anong sulat, litrato o pera man.


Bukod pa sa mga dahilang iyan ay may isang taon din akong gumamit ng Post Office at humingi ng tulong sa mga kartero. Ewan ko ba? Uso naman na nuong ang e-mail pero ewan ko. Naging kasulatan ko nuon si Anna na nagsimula lang sa biruan. May biruan kasi kami sa klase na magtatanong ka sa isang tao kung maari mo syang sulatan at kapag pumayag naman sya ay susulatan mo sya sa braso. Napakagandang biruan hindi ba? Katulad din 'to nung kapag mag kumakain ng burger o kung ano man at sasabihin mong, "pwedeng pakurot?" sabay kurot sa tagiliran nya. Pagkatapos nuon ay nagkahingian na ng address.

Hindi ko balak tutohanin ang usapan hanggang isang araw na lang ay may dumating na akong sulat galing sa kanya. Dahil sa sulat na ito kaya napapunta ako sa Post Office para maghulog ng sulat na dati ay sa Batibot ko lang nakikita. Pinahirapan din ako sa pagsagot na sulat na para bang gumagawa ako ng sulating pormal para saking guro sa ika-5 baitang. Buti na lang at makapangyarihan ang pagkakaroon ng malawak na koneksyon na mga kaibigan, pinasagutan ko sa kaklase ko ang sulat nya. Tama ba yun? Tingin ko ayos lang, pero mali pala. At ayun nang mga sumunod na sulat ay malamang na naging sa Dan Brown sya sa pagpipilit na maintindihan ang sulat ko.


Nakakatuwa din sa kabilang banda (uy! kabilang banda, parang kilala ko yang linya na yan?) na bukod sa natuto akong gumamit ng selyo at ilang stationery (mahirap mamili nito ha!) natuto din akong maging matiyaga, matiyaga sa pagsulat at pag aantay ng sagot.

1 Comments:

Blogger Erick said...

koreo ata ang tagalog ng post office?

5:06 PM  

Post a Comment

<< Home